- Norman Camit Jr.
- John Ryan Ong
- Gian Magapuro
- Vincent Zantua
- Daniel Drueco
1Lam, SY: 08-09
ikalawang samestre
ng Kolehiyo ng Komersyo ng University of Santo Tomas
I. Panimula
A.Panukalang Pahayag
Ang tatlong pangunahing dahilan ng pasali ng mga estudyante ng 1Lam sa mga pang-estudyanteng organisasyon ay nahikayat ba ng mga kaibigan, personal na interes, at dahil sa gawain sa organisasyon.
B. Paglalahad ng Nilalaman
1. Pagtukoy sa Paksa
Ang paksa ng mga mananaliksik ay tumatalakay sa tatlong pangunahing dahilan ngpagsali ng mga 1st year na estudyante sa mga organisasyon ng Kolehiyo ng Komersiyo at upang malaman din ang iba pang konsepto o dahilan ng pagsali sa mga organisasyon ng Kolehiyo.
2. Paglalahad ng Suliranin
-Sumali ba ang mga estudyante dahil nahikayat sila ng kanilang mga kaibigan?
-Sumali ba ang mga estudyante dahil sa personal na interes?
-Sumali ba ang mga estudyante dahil sa mga gawain ng organisasyon?
-Ano pa ba ang mga dahilan ng pagsali ng mga estudyante sa organisasyon?
3. Personal o Panlipunang Udyok sa Pagpili ng Paksa
Ang mga mananaliksik ay nahikayat na piliin ang paksa na ito dahil gusto nilang patunayan na ang tatlong dahilan ng pagsali ng mga first year na estudyante ng Kolehiyo ng Komersiyo ng Unibersidad ng Santo Tomas. Gusto din ng mga mananaliksik na makatulong sa organisasyon sa
pamamagitan ng pagbigay ng mga datos kung ano ang mga interes ng estudyante na maaaring makabuti sa pangkalahatang gawain o actibidad ng mga organisasyon
C. Rebyu/Pag-aaral
Ayon sa International Labor Office, sa libro nilang “Balangkas at Layunin ng mga organisasyon ng mga manggagawa sa kanayunan”. Ang organisasyon ay Isang samahan o unionng mga mamamayan para sa isang kapakanan o layunin. Sa librong ito pinapakita ang balangkas ng pagkakabuo ng isang organisasyon at Sinasabi din dito ang mga taong may posisyon para may magpasya sa gagawin ng organisasyon. Kailangan din maging malinaw sa mga kasamahan ng organisasyon ang mga plano at actibidad ng organisasyon. Importante ang mga namumuno sa isang organisasyon sapagkat malaking responsibilidad ang nakapataw sa mga desisyon na gagawin nila.
Ayon sa libro na "Organizations" na isinulat ni Howard P. Greenwald, para sa kanya ang organisasyon ay ang pagbibigay ng responsibilidad sa mga miyembro at ang paghihikayat sa kanila na maabot ang isang layunin para maging matagumpay ang organisasyon.Dapat sanayin maging aktibo ang mga miyembro ng organisasyon sa pagtanggap ng gawain o responsibilidad, ngunit dapat din pag-tuunan ng pansin ang mga problema na kinakaharap ng inyong mga kamiyembro sa organisasyon. Kailangan din dumaan sa proseso ang mga kasapi o miyembro ng organisasyon tulad ng pagbibigay ng gawain sa mga miyembro, upang masubukan ang kakayahan at para malaman din kung ano ang kanyang kalakasan at kahinaan sa paggawa ng mga gawain.importante din ang Pagtatalaga ng panahon ng gawain, dito malalaman kung gaano kabilis at epektibo magtrabaho ang isang tao. kaylangan din suriin o magbigay ng Ebalwasyon sa ginawa ng miyembro para malaman kung maayos ang gawain na pinagawa.
Sa librong "Leadership in Public Organizations" na isinulat ni Montgomery Van Wart at Paul Suino, binanggit niya rito na ang lider ang isa sa pinaka importanteng tao sa organisasyon, dahil hindi makakabuo ng isang organisasyon kung walang lider. Ang lider ang namumuno sa isang organisasyon, siya ang nag--uutos sa kanyang miyembro kung anu-anong gawain ang kailangan nilang gawin at tapusin sa sapat na oras, siya rin ang nag-dedesisyon para sa pang-kalahatan.
Ayon sa librong "Human Relations in Organizations" na isinulat ni Robert N. Luissier, sinabi niya rito na hindi lang dapat ang mga proyekto ang binibigyan pansin ng isang lider sa isang organisasyon, ngunit pati na ang relasyon niya sa kanyang mga miyembro. Para maging matibay ang organisasyon at ang ugnayan ng lider sa kaniyang mga miyembro ay dapat mayroon siyang tiwala na may kakayahan ang kaniyang mga tauhan na gawin ang nasabing gawain. Dapat ay hikayatin niya rin ang mga ito na magkaroon ng pagkakaisa o "teamwork" para matapos ang gawain sa tamang oras.
D. Layunin
1. Pangkalahatan
Ang pananaliksik na ito ay pwedeng mahanap sa loob ng library, sa "social science" na seksyon. Sapagkat ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga gusto ng mga estudyante at mga kadahilanan nila sa pagsali sa organisasyon. Pwede din itong malagay sa mga website ng mga organisasyon at mahahanap rin ito sa mga blog tungkol sa mga organisasyon.
2. Tiyak
Ang pananaliksik na ito ay hindi lamang naglalayong patunayan ang mga dahilan ng pagsali ng mga first year na estudyante kung hindi pati na rin kung alam ba ng mga estudyante ng 1Lam ang mga aktibidad ng mga organisasyon at para na rin maliwanagan sila sa kahalagahan ng pagsali sa mga organisasyon. Gusto din nilang malaman ang mga ginagawa ng aktibo at hindi aktibong miyembro sa mga organisasyon
E. Halaga
Makakatulong ang pananaliksik na ito na maimulat ang kaisipan ng mga estudyante sa mga aktibidad ng mga organisasyon ng Kolehiyo ng Komersyo ng UST. Maari rin makatulong ang pananaliksik na ito sa mga taong sumasali sa mga organisasyon, kung ano ang mga bagay na pwede nilang pagbasehan sa pagpili ng organisasyong sasalihan. Makakatulong din ito sa mga organisasyon sapagkat magkakaroon ng ideya para mas mahikayat pa ang mga estudyante sa pagsali sa organisasyon.
F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas

Ang organisasyon sa Kolehiyo ng Komersiyo ay pinamumunuan ng mga estudyante. Ang mga estudyante sa loob ng kolehiyo ng komersiyo ay binibigyan ng karapatan para sumali sa organisasyon na gusto. May binigay na dahilan ang mga mananaliksik at ito ang konsepto ng pagkakaibigan, pagiging freshmen, gawain ng organisasyon, at konsepto ng komunidad. :
1. Dahil sa pagkakaibigan.
2. Dahil sa mga gawain ng organisasyon.
3. Dahil sa Konsepto ng Komunidad.
4. Dahil sa Pagiging freshmen nila.
G. Metodolohiya
1. Kami ay nangalap ng datos ukol sa mga pag-aaral na may kinalaman sa aming pananaliksik.
2. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng mga datos sa pamamagitan ng survey. Ang sarbey ay ipinakalap lamang sa mga mag-aaral ng 1Lam ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersiyo.
3. Kami ay nagsagawa ng interview ng isa sa mga presidente ng isang organisasyon, Scarlet Organization, Mr. Antonio Hernandez.
H. Saklaw/Delimitasyon
Sa pananaliksik na ito ay mahahanap ang tungkol sa mga organisasyon sa UST kolehiyo ng komersyo. Sa pananaliksik na ito ay maaari ring mabanggit ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa aming paksa. Pagtutuunan rin ng pananaliksik na ito ang mga estudyante ng 1Lam tungkol sa kanilang pag-sali sa mga organisasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersiyo. Ang mga estudyante ng 1Lam ay may bilang na 44, ang antas nila sa pamumuhay ay masasabing katamtaman lamang at karamihan sa kanila ay taga-lungsod kung ikukumpara sa bilang ng kanilang mga kamag-aral na taga-probinsya. Ang mga estudyante ng 1Lam ay katamtaman lamang ang katalinuhan.
I. Daloy ng pag-aaral
Sa unang bahagi ng pag-aaral na ito matatagpuan ang mga datos na may kaugnayan sa mga organisasyon.
Sa pangalawang bahagi ng pag-aaral na ito matatagpuan ang mga pag-aaral ukol sa mga organisasyon sa UST Kolehiyo ng Komersiyo. Nakasaad rito ang mga datos tungkol sa kanilang mga proyekto at ang pamamahala nito.
Sa ika-tatlong bahagi ng pananaliksik na ito matatagpuan naman ang mga bagay na may kinalaman sa mga estudyante ng 1Lam ng UST Kolehiyo ng Komersiyo. Nakasaad dito ang kabuuan ng antas ng pamumuhay at abilidad ng mga estudyante ng 1Lam.
Sa ika-apat na bahagi naman ng pag-aaral na ito matatagpuan ang mga datos na may kinalaman sa mga organisasyon na sinalihan ng bawat estudyante ng 1Lam. Nakasaad dito kung ano ang kanilang mga dahilan sa pagsali sa organisasyon at ang kanilang mga naging batayan sa pagpili ng isang organisasyon.
Sa ika-limang bahagi ng pag-aaral na ito ay matatagpuan ang mga bagay na napuna ng mga mananaliksik makalipas ang mga pagsusuring ginanap sa mga nakalap na impormasyon. Nakasaad rin sa bahaging ito ng pag-aaral ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang pinag-aralan.
II. Mga Datos
A. Introduksyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng 1Lam ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersiyo. Ito ay tungkol sa mga organisasyon na sinalihan ng mga estudyante ng 1Lam ngayon taong 2008-2009. Ang mga organisasyon ay isang samahan ng mga estudyante na may isang layunin. Ang isang organisasyon ay nakakatulong din sa mga aktibidad ng iskwelahan at isang daan din para magkaroon ng sapat ensayo at karanasan na hindi maituturo ng mga guro. Ang organisasyon sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersiyo ay nagumpisa sa mga ilang organisasyon lamang at habang tumagal dumami ang mga miyembro at ang iba ay nagdesisyon na gumawa ng sarili nilang mga organisasyon.
B. Datos
Kabuuan ng mga sumali at hindi sumali sa organisasyon
Graph 1: Bilang ng mga estudyante sa 1-Lam na sumali sa organisasyon
Base sa nakuha naming datos mula sa 39 estudyante ng 1Lam na binubuo ng 16 na lalaki at 23 na babae. May 8 lalaki at 14 na babae ang sumali sa iba’t ibang organisasyon, at 8 na lalaki at babae ang hindi sumali sa kahit anong organisasyon.
Graph 2: Mga organisasyon na sinalihan ng mga estudyante
Base sa aming nakuhang datos, mas maraming sumali sa organisasyong SCARLET sa kabuuan na 11 estudyante, sunod ang COMACH sa kabuuan na 8 estudayante, PAX ROMANA sa kabuuan na 4 na estudyante, at COMPAR 1 lamang ang sumali.
Mga karaniwang rason ng mga estudyante sa pagsali sa organisasyon:
· Para may matutunan
· Makakilala ng bagong kaibigan
· Interes (isports, sayaw, atbp.)
· Naudyok ng programa o aktibidad na gagawin sa organisasyon
· Para makatulong sa iba
Sarbey:
1. Kasali ka ba sa mga organisasyon sa UST Kolehiyo ng Komersiyo
___Oo.(kung Oo, sagutan lamang ang mga numero 2 hanggang 4.)
___Hindi.(kung hindi, sagutan lamang ang numero 5)
2. Anong mga organisasyon ang sinalihan mo?(Magbigay ng tatlo)
1.
2.
3.
ibang dahilan:__________
3. Bakit ka sumali sa organisasyon na ito?
___Dahil sa pagkakaibigan
___Dahil sa mga gawain ng organisasyon
___Dahil sa sariling interes
___iba(gawing ispesipiko)
4. Ano ang mga ginagawa ng organisasyon na sinalihan mo?(Magbigay ng tatlo.)
1.
2.
3.
5. Bakit di ka sumali sa anumang organisasyon?
Panayam:
1. Ano ba ang mga ginagawa ng mga freshmen na miyembro sa inyong organisasyon?
"Ang mga aktibong miyembro ng aming organisasyon ay tumutulong sa organisasyon tulad ng sa commerce idol, chinese celebration, at mga outreach."
2. Ano ba ang maaring dahilan ng pagsali nila sa organisasyon?
"Ang mga maaring dahilan sa pagsali sa organisasyon ay, ito ay pwedeng maging "stepping stone" para magkaroon ng mas mataas na posisyon katulad ng student council o kaya maging officer sa central. Pwede rin ilagay ang pagiging aktibo sa organisasyon sa mga resume. Meron din na mga aktibidad na ang mga scarlet members lang ang pwedeng sumali tulad ng sportfest."
3. Ano ba ang benipisyo ng pagsali sa organisasyon?
" Ang benipisyo sa pagsali sa organisasyon ay isang "training for discipline, ang pag-serve sa kapwa students, mas gumaling sa pagiging lider, maging isang responsable na estudyante, at mas tumaas ang tingin sa sarili."
III. Pangwakas
A. Small pangwaksa
Pinili ng mga mananaliksik ang tatlong dahilan na dahil sa kaibigan, sariling kagustohan o interes, at mga gawain sa organisasyon dahil sa limang miyembro ng mga mananaliksik ito ang unang pumasok sa utak nila noong nagpulong ang mga miyembro.
B. Konklusyon
Napatunayan ng mga mananliksik na ang tatlong dahilan na ibinagay ay ang madalas na dahilan ng mga estudyante sa pagsali sa mga organisasyon. Karamihan sa mga estudyante ng 1Lam ay kabilang sa mga organisasyon. Sila ay sumali sa mga organisasyon dahil sa mga pangsariling interes at kadahilanan. Ang pangunahing kadahilanan ay naimpluwensyahan ng mga kakilala. Ikalawa ay, sila daw ay interesado sa mga gawain ng mga organisasyon. Ikatlo ay para daw sa sariling kapakanan.
C. Rekomendasyon
Minumungkahi ng mga mananaliksik sa mga organisasyon na sana ay gawin pa nilang mas
kapanapanabik ang kanilang mga proyekto upang mas marami pang estudyante ang sumali at
maging aktibo sa organisasyon na sinalihan. Sa ibang makakabasa nito ay mahikayat na gumawa ng kaparehong pananaliksik, at sana ay mapaganda pa ang pananaliksik na ginawa.
Sanggunian:
-survey
-interview
: Antonio Hernandez Ang Presidente ng Scarlet commerce unit
contact number: 09273409956
-libro
"Organisasyon" isinulat ni Howard P. Greenwald
social science. Hm786.G855.2008
"Balangkas at Layunin ng mga organisasyon ng mga manggagawa sa kanayunan" na isinulat ng international labor office
filipiniana.8D8711.2.In8b.1978
"Human Relations in Organizations" isinulat ni Robert N. Lussier social science. HD58.7.L976.008
"Leadership in Public Organizations" isinulat ni Montgomery Van Wart at Paul Suino social science. JF1525.L4.V26.2008
Ang aming pangkat ay nagpapasalamat sa Diyos sa pagbigay ng opurtunidad na gumawa ng pananaliksik na ito, si Mam Bebang na gumabay, nagbigay ng impormasyon at nagkritiko para sa ikagaganda ng aming pananaliksik, ang mga estudyante ng 1Lam na nagsagot ng aming sarbey at ang mga organisasyon na nagbigay ng konsepto ng kanilang organisasyon sa aming mga mananaliksik.
Komento o Mungkahi, padalan ng mensahe ang aming pangkat:
john_ong08@yahoo.com
camitnorman@yahoo.com
gianpaulo_10@yahoo.com
No comments:
Post a Comment